Martes, Agosto 13, 2013

Wika natin ang ating "Unlad"




            
               Ang Wika natin ay napakahalaga. Ipinamana pa ito ng ating mga ninuno kaya’t ating gamitin at pagyamanin. Naipapakita natin an gating respeto sa Kanila sa pamamagitan nito. Gamitin at pagyamanin, ito ang dalawang paraan sa pagpapahalaga nito. Tayong mga Pilipino ngayon ay hindi na natin pinapahalagahan ang ating Inang Wika. Malimit na nating ginagamit ang mga Dayuhang Wika. Dahil alam natin na sos-yal ito. Pero hindi, Kung saan ka nanggaling, iyun rin ang dadalhin mo.
              Kaya't ngayong Buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Filipino. Alinsunod pa sa ipinatupad ni Fidel V. Ramos noon, na nagsasaad na inilipat ang Buwan ng Wika sa Buwan ng Agosto.Marami na ang paaralan na nagdiriwang nito upang mapalalo pa ang pagpapahalaga ng ng mga kabataan sa ating Wika. Ngayong Agosto, itinalaga ang tema na:" Wika natin ang Daang Matuwid" sa taong ito. Ito naman ay nagagamit sa iba't ibang aktibidades sa mga paaralan.
               Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng iba't ibang mga aktibidades tulad ng tagisan ng Talino, Poster-Slogan Making, Sabayang Pagbigkas, Pagsulat ng Tula at Sanaysay at marami pa. Dito nasasanay na ang mga estudyante at nailalabas ang kanilang talento. Kung mahuhubog ang talento, uunlad ang Bansang Pilipinas.

Picture: Google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento